Mga pagkain na karaniwang kinakain tuwing may kalamidad
Palay
Sa ganitong mga sitwasyon na dumadaan sa buhay ng tao, kailangang gumawa ng mga paraan na lagi tayong handa sa anumang pagsubok na dumadaan sa atin. Nagiging matipid ang mga mamamayang pilipino sa panahon ng tag-ulan at tuwing may bagyong dumaraan sa Pilipinas. Dahil sa nasisira ang mga pananim at hindi nakakapagtrabaho ang karamihan sa mga mamamayang pilipino, nagiimbak sila at pumipili ng mga pagkaing madaling lutuin at mga pagkaing ligtas sa mga bata. Tulad ng mga delatang hindi na kailangang lutuin pa. Mga noodles at tinapay sa mga bata at mga pampainit na inumin tulad ng kape sa mga matatanda. Mga pagkaing pwedeng pagsaluhan ng isang buong pamilya tulad ng lugaw na sadyang nakakabusog. Ang mga ilan naman ay tsamporado. Samantalang ang iba ay talagang napakatitiyagang naghahanap ng mga makakain sa mga lugar na hindi gaanong nasira ng kalamidad.
Baha
Ang mga mahihirap naman na nagtitiyaga sa kanin na hihahaluan lang ng asin o kaya ng asukal. Tuyo na hinaluan ng tubig upang ito ay dumami at magkaroon ng lasa. Ito ang mga karaniwang pinagdadaanan ng ating mamamayang pilipino tuwing may kalamidad. At kung minsan ay hindi pa makakain sa isang araw na nauuwi sa mga sakit. Sa dahilang hindi nakakakain ng wasto at masusustansyang pagkain. Ang mga gulay na nasira ng kalamidad na tanging pinagkukunan ng sustansya.
Mga Delata
Iyan ang pangunahing problemang pinagdadaanan ng mga pilipino. Ngunit sa kabila ng mga pinagdadaanang hirap, nakakaranas din ng masasaganang pamumuhay ang mga pilipino. Malayang nakakapili ng mga pagkaing gustong-gusto na kainin. Nakakakain sa mga iba’t ibang lugar na pinagkakainan na masasarap na pagkain. Sa mga sikat na restaurant at carinderya. Sa mga panahong nakakasama ang mga pamilya at kaibigan na kumain sa labas. Nakakakain ng iba’t ibang pagkain. At may pagkakataon na kahit hindi masyadong kinakain ang pagkain, napipilitan ka. Ngunit may mga di-inaasahang pagkakataon na tayo’y kumakain kahit saan. Anu-ano nga ba ang mga ito?
anu anu poh ba ang dapat gawin ng mga MAGSASAKA bago manalasa ang bagyo?
ReplyDelete