Friday, August 20, 2010

Mga pagkain na karaniwang kinakain ng mga mahihirap


Sa panahong ngayon, karamihan sa mga pilipino ay naghihirap. Sa kadahilanang di nakapagtapos ng pag-aaral at sa hindi nakapagtrabaho. Pera ang pangunahing kailangan ng mga tao sapagkat kung walang pera, hindi ka makakabili ng mga pagkain. Dahil sa kawalan ng trabaho ng karamihan sa mg tao, may mga pagkakataon na hindi nakakakain ng wasto sa loob ng isang araw. Minsan dalawang beses nalang sila kumakain at minsa’y isang beses na lang. Alam naman nating mahalaga ang may trabaho sa panahong ngayon upang may maipakain tayo sa mga bata. Upang kahit papaano ay makakain tayo ng wasto. Dahil nga ang bigas ang pangunahing pagkain na kailangan ng mga pilipino, pinagpapaguran ng marami at natitiyaga sa pagtatrabaho pa ra lang makabili ng bigas. Ang ilan naman ay linalagyan lang ng mga pampalasa upang kahit papaano ay may kakainin. Mga pampalasa tulad ng mga toyo, asin, asukal na karaniwang hinahalo lang sa mga ulam.

Tuyo at Kanin
 Tuyo, noodles, sardinas, tinapa, talong, asin, toyo, patis, talbos ng kamote at kangkong. Ito ang mga karaniwang kinakain ng mga mahihirap nating mga kababayan, dahil wala silang sapat na perang pambili ng mga masasarap na pagkain kaya madalas ito ang kanilang inuulam. Minsan lang silang makakain ng masasarap na ulam tulad ng baboy, manok, baka, at marami pang ibang masasarap na pagkain. Maswerte pa nga sila kapag sila ay nakapag ulam. At minsan ang inuulam lang nila ay toyo at nagdidildil lang sila ng asin kaya ang mga kababayan natin ay malnoris at madalas  nagkakasakit dahil sa gutom at nauuwi sa pagkamatay.
May mga taong sadyang mahihirap at walang ibang pagkukunan ng pagkain kundi sa mga taong may busilak ang puso. Ang iba nama’y namumulot sa mga basurahan na pinagtapunan ng tirang pagkain. Subalit mayroon din namang mga kababayan natin na sadyang masisipag para humanap ng makakain. Namimingwit o nangingisda sa mga ilog. Nagangaso ang ilan at ang ilan nama’y kumukuha ng talbos ng kamote at kangkong.
Madalas na nakakabili lang sila ng kalahating kilo ng bigas na ang totoo ay hindi sapat sa buong pamilya. Isang supot na tuyo na pinaghahati-hatian at hinahaluan lang ng tubig upang kahit papaano ay may konting sabaw pang pawi ng gutom.   
Iyan ang mga karaniwang kinakain ng mga kababayan nating naghihirap sa panahong ngayon. Sadyang napakahirap mamuhay sa mundo. Gumagawa tayo ng mga paaraan upang sa gayo’y mamuhay ng matiwasay. Nagtitiyaga sa pagtitinda ng mga pagkain sa mga matataong lugar tulad sa lansangan na karaniwang tumatambay ang ilang mga kabataan  na walang magawa sa buhay kundi tumambay at nakikipagbarkada upang sa gayo’y  makalimutan ang problema dahil sa kahirapan ng buhay.
Nakahiligan na ng mga kabataan ang tumambay sa lansangan kasama ang mga kaibigan o kabarkada. Madalas na nagkukwentuhan, nagkakasiyahan at sinasamahan pa ng mga pagkaing nabibili sa lansangan. Anu-ano nga ba ang nakahiligang kainin ng mga kabataang laging nakatambay sa lansangan?

No comments:

Post a Comment