Friday, August 20, 2010


Mga Gulay

Ang mga Pilipino pagdating sa pagkain, makikita at malalaman kung papaano nila binibigyan ng halaga ang bawat halaman, mga hayop at isda na pwedeng kainin ng bawat isa sa mga pilipino. Dito sila kumukuha ng sapat na ikabubuhay nila at upang mamuhay ng masagana sa mundong ating ginagalawan. Mga gulay na halaman, mga karne at lamang-dagat ang karaniwang pinagkukunan ng pagkain sa araw-araw. 


Mga Isda
Mga Baboy
Pagdating naman sa pagluluto, makikita sa kanila kung paano gumawa ng sariling putahe at kung gaano sila kasarap magluto. Kahit kokonti lang ang ginagamit nilang mga karne o gulay, napapasarap nila ito sa pamamagitan ng ibang mga sangkap na pampalasa sa pagkain. Maging sa mga niluluto nila sa pang araw-araw na pagkain.





Bigas
Bigas naman o kanin ang pangunahing pagkain na kailangan ng mga pilipino dahil ito ang tanging nagbibigay lakas para malabanan ang gutom ng bawat isa. Ito ang pinaka-pangunahing pagkain na kinakain na mga pilipino. Tatlong beses sa isang araw: pang-almusal, panang-halian at pang-hapunan na sinasamahan lang na mga ulam upang magkaroon ng lasa ang pagkain. Ang mga ulam na ito ay kinagisnan na ng mga pilipino na lutuin para maisama sa kanin para magkaroon ng lasa at pampadagdag upang lalong mabusog ang kumakain.


Pinakbet
 Mga pinagsama-samang gulay, karne at lamang-dagat ang karaniwang niluluto ng mga pilipino para gawing ulam. Tulad ng pinakbet na pinagsama-samang gulay, karne ng baboy at hipon na karaniwang nakukuha sa mga ilog.
Masasabing ang kultura ng isang bansa ay nalalarawan sa kanyang lutuin. Ang mga sangkap na pagkaing pilipino ay payak. Ngunit ito ay nadadagdagan na ng mga putaheng kastila at tsino; amerikano at iba pa. Liban pa rito, bawa’t rehiyon o probinsiya ay may kani-kanilang espesyal na luto at panlasa. Mayroon ding kaibahan ang pagkaing pang araw-araw at pagkaing pang okasyunal.

Hindi masyadong palakain ng karne ang mga pilipino. Marahil dahil sa dami ng uri at yaman ng ani mula sa dagat o maging sa mga pala-isdaan. Karamihan ng katutubong putahe ay ukol sa isda, alimango, talaba at hipon. Sinasabing ang mga pagkaing-dagat na mula sa tubig ng Pilipinas ay isa sa pinakamalinamnam sa mundo. Ang iilan naman ay mahihilig kumain ng mga lamang-dagat tulad ng bangus, lapu-lapu, dalagambukid, alimango at marami pang iba.
Mahilig din sa gulay ang mga pilipino. Ginagamit nila itong pansahog sa baboy at ibang mga karne, at kung minsan ay bilang pinakatampok na putahe. Kapag sa huli, ginigisa ito kasama ng piraso ng baboy at hipon. Marahil ang pinakatanyag na putaheng gulay ay ang pinakbet na mga Ilokano.

Pork Adobo
 Gulay ang karaniwang kinakain araw-araw ng mga pilipino. Hindi dahil masarap ang mga ito kundi sa alam nilang masusustansya ang mga ito. Halimbawa nito ay: ampalaya, malunggay, okra, kalabasa, pechay at marami pang iba. Ito ang mga karaniwang niluluto nila sa pang araw-araw sapagkat hindi kahirapan ang pagluluto.



Minatamis na Saging 
Mahilig din kumain at gumawa ng mga minatamis ang mga pilipino. Pinapatamis o minamatamis ang ilang mga prutas tulad ng saging, langka at iba pa. Madalas nila itong ginagawa tuwing may okasyon upang may maihanda na espesyal sa mga bisita. Liban sa mga minatamis na kanilang ginagawa, gumagawa din sila ng mga pang himagas na gawa sa giniling na bigas, mais, ube o kamote. May tinatawag silang leche flan na gawa sa pinagsamang itlog at gatas na ginagawa din tuwing may pista. Dahil nakagisnan na ng mga pilipino ang paghahanda ng mga masasarap na pagkain tuwing may okasyon o espesyal na araw.


Bibingka
Sapin-sapin










Mayroon ding tinatawag na halu-halo. Pinaghalu-halong prutas, gulaman at mga ilang pang sahog na may kasamang gatas, kinaskas na yelo at asukal.

Halu-halo
Mga prutas na galing sa mga iba’t ibang bansa ay mahilig din kainin ng mga Pinoy .Dahil masasarap ito at nakakatulong din sa mga may sakit na kailangan ng sustansiya. Ginagawa din ng iba ang mga ito na pang himagas dahil may matamis na lasa ang ilang mga prutas tulad ng mansanas at peras. Madalas din nila itong kinakain tuwing sasapit ang pasko at bagong taon.
Mga Prutas
Ang lahat ng mga pagkaing karaniwang linuluto ng mga Pinoy ay madalas na ginagawa tuwing may okasyon. Kadalasang ginagawa ang adobo, pinakbet, karne ng baboy, minatamis at panghimagas sa mga lugar na nagdiriwang ng kapistahan. Mga inihaw at lechon na ginagawa tuwing may mga  binyagan at kasalan 
Barbeque
Lechon










Tuwing sasapit naman ang kaarawan ng isang Pilipino, madalas na ginagawa ang tinatawag na spaghetti at pansit. Sinasamahan pa ng mga kakanin tulad ng bibingka, ube at pati na puto at kutsinta.
Mas lalo pa nila itong pinapasarap at dinadagdagan ng mga sahog sa tuwing may espesyal na araw at sa tuwing may mahahalagang celebrasyon. Maging sa mga malalaki ta sikat na mga restaurant. Sa mga madalas na pinagkakainan ng mga pilipino. Jollibee at Mc Donald’s.

Mc Donald's
Jollibee








Restaurant
Sadyang malikhain ang mga Pinoy pagdating sa pagluluto at paggawa ng mga iba’t ibang putahe. Lalo na kung ikaw ay may kaya sa buhay na pwede mo pang mas lalong pasarapin ang luto sa tulong ng mga masasarap na pang sahog na kayang-kaya mong bilhin. At minsan, kung ano’ng madalas lutuin ng mga pilipino ay siya ding madalas na kainin. Alam din nating kahit sino ay pwedeng gumawa at kumain na iba’t ibang klase ng pagkain. Subalit alam din nating karamihan sa mga pilipino ay dumaranas ng kahirapan sa kasalukuyan. Hindi lahat ng masasarap na pagkain ay matitikman natin. Minsan nga ay dalawang beses lang tayo kumakain sa loob ng isang araw at kung minsan ay isa na lamang. Eh paano na nga ba yung walang kaya sa buhay o yung mahihirap? Natitikman ba lahat ng masasarap na pagkain dito sa Pilipinas? Nakakakain ba sila ng tatlong beses sa isang araw? Anu-ano na nga ba ang karaniwang kinakain nila sa panahong ngayon?

1 comment:

  1. malikhain talaga ang mga pilipino pagdating sa pagluluto at paggawa ng mga iba’t ibang putahe noh Sakit.info

    ReplyDelete