Friday, August 20, 2010


Mga Gulay

Ang mga Pilipino pagdating sa pagkain, makikita at malalaman kung papaano nila binibigyan ng halaga ang bawat halaman, mga hayop at isda na pwedeng kainin ng bawat isa sa mga pilipino. Dito sila kumukuha ng sapat na ikabubuhay nila at upang mamuhay ng masagana sa mundong ating ginagalawan. Mga gulay na halaman, mga karne at lamang-dagat ang karaniwang pinagkukunan ng pagkain sa araw-araw. 


Mga Isda
Mga Baboy
Pagdating naman sa pagluluto, makikita sa kanila kung paano gumawa ng sariling putahe at kung gaano sila kasarap magluto. Kahit kokonti lang ang ginagamit nilang mga karne o gulay, napapasarap nila ito sa pamamagitan ng ibang mga sangkap na pampalasa sa pagkain. Maging sa mga niluluto nila sa pang araw-araw na pagkain.





Bigas
Bigas naman o kanin ang pangunahing pagkain na kailangan ng mga pilipino dahil ito ang tanging nagbibigay lakas para malabanan ang gutom ng bawat isa. Ito ang pinaka-pangunahing pagkain na kinakain na mga pilipino. Tatlong beses sa isang araw: pang-almusal, panang-halian at pang-hapunan na sinasamahan lang na mga ulam upang magkaroon ng lasa ang pagkain. Ang mga ulam na ito ay kinagisnan na ng mga pilipino na lutuin para maisama sa kanin para magkaroon ng lasa at pampadagdag upang lalong mabusog ang kumakain.


Pinakbet
 Mga pinagsama-samang gulay, karne at lamang-dagat ang karaniwang niluluto ng mga pilipino para gawing ulam. Tulad ng pinakbet na pinagsama-samang gulay, karne ng baboy at hipon na karaniwang nakukuha sa mga ilog.
Masasabing ang kultura ng isang bansa ay nalalarawan sa kanyang lutuin. Ang mga sangkap na pagkaing pilipino ay payak. Ngunit ito ay nadadagdagan na ng mga putaheng kastila at tsino; amerikano at iba pa. Liban pa rito, bawa’t rehiyon o probinsiya ay may kani-kanilang espesyal na luto at panlasa. Mayroon ding kaibahan ang pagkaing pang araw-araw at pagkaing pang okasyunal.

Hindi masyadong palakain ng karne ang mga pilipino. Marahil dahil sa dami ng uri at yaman ng ani mula sa dagat o maging sa mga pala-isdaan. Karamihan ng katutubong putahe ay ukol sa isda, alimango, talaba at hipon. Sinasabing ang mga pagkaing-dagat na mula sa tubig ng Pilipinas ay isa sa pinakamalinamnam sa mundo. Ang iilan naman ay mahihilig kumain ng mga lamang-dagat tulad ng bangus, lapu-lapu, dalagambukid, alimango at marami pang iba.
Mahilig din sa gulay ang mga pilipino. Ginagamit nila itong pansahog sa baboy at ibang mga karne, at kung minsan ay bilang pinakatampok na putahe. Kapag sa huli, ginigisa ito kasama ng piraso ng baboy at hipon. Marahil ang pinakatanyag na putaheng gulay ay ang pinakbet na mga Ilokano.

Pork Adobo
 Gulay ang karaniwang kinakain araw-araw ng mga pilipino. Hindi dahil masarap ang mga ito kundi sa alam nilang masusustansya ang mga ito. Halimbawa nito ay: ampalaya, malunggay, okra, kalabasa, pechay at marami pang iba. Ito ang mga karaniwang niluluto nila sa pang araw-araw sapagkat hindi kahirapan ang pagluluto.



Minatamis na Saging 
Mahilig din kumain at gumawa ng mga minatamis ang mga pilipino. Pinapatamis o minamatamis ang ilang mga prutas tulad ng saging, langka at iba pa. Madalas nila itong ginagawa tuwing may okasyon upang may maihanda na espesyal sa mga bisita. Liban sa mga minatamis na kanilang ginagawa, gumagawa din sila ng mga pang himagas na gawa sa giniling na bigas, mais, ube o kamote. May tinatawag silang leche flan na gawa sa pinagsamang itlog at gatas na ginagawa din tuwing may pista. Dahil nakagisnan na ng mga pilipino ang paghahanda ng mga masasarap na pagkain tuwing may okasyon o espesyal na araw.


Bibingka
Sapin-sapin










Mayroon ding tinatawag na halu-halo. Pinaghalu-halong prutas, gulaman at mga ilang pang sahog na may kasamang gatas, kinaskas na yelo at asukal.

Halu-halo
Mga prutas na galing sa mga iba’t ibang bansa ay mahilig din kainin ng mga Pinoy .Dahil masasarap ito at nakakatulong din sa mga may sakit na kailangan ng sustansiya. Ginagawa din ng iba ang mga ito na pang himagas dahil may matamis na lasa ang ilang mga prutas tulad ng mansanas at peras. Madalas din nila itong kinakain tuwing sasapit ang pasko at bagong taon.
Mga Prutas
Ang lahat ng mga pagkaing karaniwang linuluto ng mga Pinoy ay madalas na ginagawa tuwing may okasyon. Kadalasang ginagawa ang adobo, pinakbet, karne ng baboy, minatamis at panghimagas sa mga lugar na nagdiriwang ng kapistahan. Mga inihaw at lechon na ginagawa tuwing may mga  binyagan at kasalan 
Barbeque
Lechon










Tuwing sasapit naman ang kaarawan ng isang Pilipino, madalas na ginagawa ang tinatawag na spaghetti at pansit. Sinasamahan pa ng mga kakanin tulad ng bibingka, ube at pati na puto at kutsinta.
Mas lalo pa nila itong pinapasarap at dinadagdagan ng mga sahog sa tuwing may espesyal na araw at sa tuwing may mahahalagang celebrasyon. Maging sa mga malalaki ta sikat na mga restaurant. Sa mga madalas na pinagkakainan ng mga pilipino. Jollibee at Mc Donald’s.

Mc Donald's
Jollibee








Restaurant
Sadyang malikhain ang mga Pinoy pagdating sa pagluluto at paggawa ng mga iba’t ibang putahe. Lalo na kung ikaw ay may kaya sa buhay na pwede mo pang mas lalong pasarapin ang luto sa tulong ng mga masasarap na pang sahog na kayang-kaya mong bilhin. At minsan, kung ano’ng madalas lutuin ng mga pilipino ay siya ding madalas na kainin. Alam din nating kahit sino ay pwedeng gumawa at kumain na iba’t ibang klase ng pagkain. Subalit alam din nating karamihan sa mga pilipino ay dumaranas ng kahirapan sa kasalukuyan. Hindi lahat ng masasarap na pagkain ay matitikman natin. Minsan nga ay dalawang beses lang tayo kumakain sa loob ng isang araw at kung minsan ay isa na lamang. Eh paano na nga ba yung walang kaya sa buhay o yung mahihirap? Natitikman ba lahat ng masasarap na pagkain dito sa Pilipinas? Nakakakain ba sila ng tatlong beses sa isang araw? Anu-ano na nga ba ang karaniwang kinakain nila sa panahong ngayon?

Mga pagkain na karaniwang kinakain ng mga mahihirap


Sa panahong ngayon, karamihan sa mga pilipino ay naghihirap. Sa kadahilanang di nakapagtapos ng pag-aaral at sa hindi nakapagtrabaho. Pera ang pangunahing kailangan ng mga tao sapagkat kung walang pera, hindi ka makakabili ng mga pagkain. Dahil sa kawalan ng trabaho ng karamihan sa mg tao, may mga pagkakataon na hindi nakakakain ng wasto sa loob ng isang araw. Minsan dalawang beses nalang sila kumakain at minsa’y isang beses na lang. Alam naman nating mahalaga ang may trabaho sa panahong ngayon upang may maipakain tayo sa mga bata. Upang kahit papaano ay makakain tayo ng wasto. Dahil nga ang bigas ang pangunahing pagkain na kailangan ng mga pilipino, pinagpapaguran ng marami at natitiyaga sa pagtatrabaho pa ra lang makabili ng bigas. Ang ilan naman ay linalagyan lang ng mga pampalasa upang kahit papaano ay may kakainin. Mga pampalasa tulad ng mga toyo, asin, asukal na karaniwang hinahalo lang sa mga ulam.

Tuyo at Kanin
 Tuyo, noodles, sardinas, tinapa, talong, asin, toyo, patis, talbos ng kamote at kangkong. Ito ang mga karaniwang kinakain ng mga mahihirap nating mga kababayan, dahil wala silang sapat na perang pambili ng mga masasarap na pagkain kaya madalas ito ang kanilang inuulam. Minsan lang silang makakain ng masasarap na ulam tulad ng baboy, manok, baka, at marami pang ibang masasarap na pagkain. Maswerte pa nga sila kapag sila ay nakapag ulam. At minsan ang inuulam lang nila ay toyo at nagdidildil lang sila ng asin kaya ang mga kababayan natin ay malnoris at madalas  nagkakasakit dahil sa gutom at nauuwi sa pagkamatay.
May mga taong sadyang mahihirap at walang ibang pagkukunan ng pagkain kundi sa mga taong may busilak ang puso. Ang iba nama’y namumulot sa mga basurahan na pinagtapunan ng tirang pagkain. Subalit mayroon din namang mga kababayan natin na sadyang masisipag para humanap ng makakain. Namimingwit o nangingisda sa mga ilog. Nagangaso ang ilan at ang ilan nama’y kumukuha ng talbos ng kamote at kangkong.
Madalas na nakakabili lang sila ng kalahating kilo ng bigas na ang totoo ay hindi sapat sa buong pamilya. Isang supot na tuyo na pinaghahati-hatian at hinahaluan lang ng tubig upang kahit papaano ay may konting sabaw pang pawi ng gutom.   
Iyan ang mga karaniwang kinakain ng mga kababayan nating naghihirap sa panahong ngayon. Sadyang napakahirap mamuhay sa mundo. Gumagawa tayo ng mga paaraan upang sa gayo’y mamuhay ng matiwasay. Nagtitiyaga sa pagtitinda ng mga pagkain sa mga matataong lugar tulad sa lansangan na karaniwang tumatambay ang ilang mga kabataan  na walang magawa sa buhay kundi tumambay at nakikipagbarkada upang sa gayo’y  makalimutan ang problema dahil sa kahirapan ng buhay.
Nakahiligan na ng mga kabataan ang tumambay sa lansangan kasama ang mga kaibigan o kabarkada. Madalas na nagkukwentuhan, nagkakasiyahan at sinasamahan pa ng mga pagkaing nabibili sa lansangan. Anu-ano nga ba ang nakahiligang kainin ng mga kabataang laging nakatambay sa lansangan?

Mga pagkain na karaniwang kinakain ng mga tambay sa lansangan


Pagkaing lansangan
            Marahil sa kasalukuyan ay marami ng mga kabataan ang hindi nakapagtrabaho dahil sa mababa ang pinag-aralan. Hindi nakapag-aral dahil sa kahirapan ng buhay. Kaya’t karamihan sa mga kabataan ay walang alam gawin kundi nakikipag-barkada, gala ng gala, lumakwatsa at tumambay kahit saan. Ngunit ang iba nama’y masisipag at matitiyagang naghahanap-buhay para may makain sa araw-araw.
           



Fishball at Kikiam
 Madalas na kumakain ang mga tambay sa lansangan na mga pagkaing tinitinda at nilalako sa daan. Gaya ng fish ball, kikiam, penoy at balot na karaniwang tinitinda araw-araw ng mga iilan sa ating mga mamamayang pilipino. Idagdag nyo pa rito ang mga inihaw tulad ng barbeque, hatdog, bituka ng manok, paa at ulo na tinitinda naman ng iba. Mga sitsiryang nabibili sa mga maliliit na tindahan.



Ang mga nasabing mga pagkain ay nakahiligan na ng mga kabataan dahil halos iyon ang karaniwang ginagawa araw-araw. Ngunit ang mga nasabi bang mga pagkain ay ligtas sa ating katawan? Kahit sila ay di kumain ng kanin basta’t mabusog lang ok na. At kahit na sila’y umiiwas sa mga ito, napipilitan parin silang bumibili dahil sa nakakabusog na, mura pa. Napipilitan sila dahil sa kahirapan ng buhay. Kaya’t karamihan sa ating mga kababayan ay hindi mululusog.
May mga pagkakataon din na sila’y nagkakatuwaan at bumibili ng mga tinapay at mga softdrinks para di malipasan ng gutom. Ngunit kahit may mga panahong tayo’y nakakabili ng pagkaing gusto natin, may mga panahon din na nahihirapan ang mga tao sa pagpili ng kanilang kakainin. Sa mga panahong nagkakaroon ng kalamidad. Tuwing tag-ulan at tuwing may mga bagyo na dumarating taon-taon. Anu-ano nga ba ang karaniwang kinakain ng mga pilipino tuwing may kalamidad?

Mga pagkain na karaniwang kinakain tuwing may kalamidad


Palay
         Sa ganitong mga sitwasyon na dumadaan sa buhay ng tao, kailangang gumawa ng mga paraan na lagi tayong handa sa anumang pagsubok na dumadaan sa atin. Nagiging matipid ang mga mamamayang pilipino sa panahon ng tag-ulan at tuwing may bagyong dumaraan sa Pilipinas. Dahil sa nasisira ang mga pananim at hindi nakakapagtrabaho ang karamihan sa mga mamamayang pilipino, nagiimbak sila at pumipili ng mga pagkaing madaling lutuin at mga pagkaing ligtas sa mga bata. Tulad ng mga delatang hindi na kailangang lutuin pa. Mga noodles at tinapay sa mga bata at mga pampainit na inumin tulad ng kape sa mga matatanda. Mga pagkaing pwedeng pagsaluhan ng isang buong pamilya tulad ng lugaw na sadyang nakakabusog. Ang mga ilan naman ay tsamporado. Samantalang ang iba ay talagang napakatitiyagang naghahanap ng mga makakain sa mga   lugar na hindi gaanong nasira ng kalamidad.
Baha
 Ang mga mahihirap naman na nagtitiyaga sa kanin na hihahaluan lang ng asin o kaya ng asukal. Tuyo na hinaluan ng tubig upang ito ay dumami at magkaroon ng lasa. Ito ang mga karaniwang pinagdadaanan ng ating mamamayang pilipino tuwing may kalamidad. At kung minsan ay hindi pa makakain sa isang araw na nauuwi sa mga sakit. Sa dahilang hindi nakakakain ng wasto at masusustansyang pagkain. Ang mga gulay na nasira ng kalamidad na tanging pinagkukunan ng sustansya.

Mga Delata
Iyan ang pangunahing problemang pinagdadaanan ng mga pilipino. Ngunit sa kabila ng mga pinagdadaanang hirap, nakakaranas din ng masasaganang pamumuhay ang mga pilipino. Malayang nakakapili ng mga pagkaing gustong-gusto na kainin. Nakakakain sa mga iba’t ibang lugar na pinagkakainan na masasarap na pagkain. Sa mga sikat na restaurant at carinderya. Sa mga panahong nakakasama ang mga pamilya at kaibigan na kumain sa labas. Nakakakain ng iba’t ibang pagkain. At may pagkakataon na kahit hindi masyadong kinakain ang pagkain, napipilitan ka. Ngunit may mga di-inaasahang pagkakataon na     tayo’y kumakain kahit saan. Anu-ano nga ba ang mga ito?

Mga pagkain na karaniwang kinakain sa di-inaasahang pagkakataon


Bibingka
 Kahit saang lugar ay pwedeng kumain ng mga paboritong pagkain. Maraming mga pamilihan na karaniwang tinitinda ay pagkain. Sa kasalukuyang panahon ay marami ng naimbento na masasarap na pagkain. Mga iba’t ibang putahe na kakaiba ang lasa. Mga kakaning pinagpaguran ng mga pilipino. Mga tinapay na linalagyan ng iba’t ibang pampasarap upang mas lalong magustuhan ng mamimili.







Pork Adobo
Kahit hindi tayo nakakakain ng mga ito, may mga pagkakataon na natitikman natin ang mga ito. Kapag nagkayayaan ang isang pamilya o mga magkakabarkada upang kumain sa mga mall o sa mga karaniwang pinagkakainan. Dahil sa mga kaibigan, nakakatikim tayo ng mga masasarap na pagkain.
Samantala, may mga pagkakataon na di-inaasahan na kahit alam nating mahalaga ang pagtitipid sa kasalukuyan, nakakabili pa rin tayo na espesyal na pagkaing kakaiba. May oras na bigla nalang may darating na bisita at kailangang may maihanda sa kanila. Ngunit may mga ilan parin na kahit malamig na tubig lang at tinapay ok na.
Mga Softdrinks
 Madalas na nakakasama natin ang ating mga kaibigan. Minsan din na sabay-sabay nagugutom at bumibili ng mga pagkaing tulad ng softdrinks, tsitsirya, tinapay at mga palamig na nabibili sa mga nadadaanan. Mga humburger, ice cream at marami pang iba na nabibili sa mga pamilihan.




Mga Sitsirya
 Sa mga okasyon naman na dinadaluhan nating mga pilipino. Maraming klase ng pagkain na pwedeng pagpilian ng kahit sino. Nakakakain tayo ng pagkaing ayaw nating kainin dahil napipilitan tayo na kainin ang mga ito.



 
Ice cream
Humburger













Ang lahat na nasabing mga pagkain ay ang karaniwang kinakain ng mga pilipino maging sa pang araw-araw na pagkain at pang-okasyunal. Masasabing ang kultura ng isang bansa ay nalalarawan sa kanyang lutuin.